Awtput 2: (Pagdrowing ng Nemo ang Batang Papel) = Desree Gale De Guzman
Awtput 2: (Pagdrowing ng Nemo ang Batang Papel) = Rayvin Teodoro
Awtput 3: (Pagguhit ng bahagi ng Kwento ng Nemo ang Batang Papel) = Desree Gale De Guzman
Awtput 3: (Pagguhit ng bahagi ng Kwento ng Nemo ang Batang Papel) = Rayvin Teodoro
Awtput 8: (Sanaysay) = Desree Gale De Guzman
Ako
si Cellphone, si Desree Gale R. De Guzman ang nagmamay-ari sa akin. Siya ay
labindalawang taong gulang na. Siya ay nakatira sa Agustin Drive, Zone II- B,
Divisoria Zamboanga City. Ang pangalan kanyang ama ay Agripino S. De Guzman.
Ang pangalan naman ng kanyang ina ay Amelia R. De Guzman. Tatlo silang
magkakapatid. Sa tatlong magkakapatid siya ang bunso. Ang pangalan ng kanyang
kapatid na babae ay Divine Grace R. De Guzman, ang pangalan naman ng kaniyang
kapatid na lalaki ay Dexter Dave R. De Guzman. Ang kaniyang pamilya ay masaya,
payapa, at simple lamang.
Siya ay nag-aaral sa Regional Science
High School. Ang paborito niyang asignatura ay Mathematics. Ang paborito niyang
sports na laruin ay Table Tennis. Pagdating niya sa bahay ay nagpapahinga siya ng
ilang minuto at ginagawa na niya ang kanyang mga takdang-aralin. Pagkatapos
niyang gumawa ng kanyang mga takdang-aralin, binabasa niya ang mga leksyon o
lecture na binigay ng kanyang mga guro at bumabasa na siya ng mga libro o comic
book.
Ako ay binili ng kaniyang ina noong
kaarawan niya. Simula noon, inaalagaan niya ako ng maayos at mabuti. Hindi niya
ako hinuhulog sa sahig o tinatapon kung saan-saan. Sinasama niya ako kahit saan
siya pumunta. Kung paminsan, pinapahiram niya ako sa kanyang kaibigan na si
Rayvin J. Teodoro. Kung paminsan, kung wala siyang ginagawa ay naglalaro siya
ng mga laro sa kompyuter at paminsan nilalaro niya ang mga laro ko.
Awtput 8: (Sanaysay) = Rayvin Teodoro
Ako si Lampin at pagmamay-ari ni Rayvin
J. Teodoro simula ng bata pa siya ay kasama ko na siya. At sa tagal ng
pagsasama naming dalawa ay halos nasaksihan ko lahat na pangyayari sa buhay
niya. At sa mga panahong malungkot siya pinupunasan ko ang luha niya at sa
pagtulog ay tinatabihan ko siya.
Siya ay labindalawang taong gulang na at
maglalabing tatlo na. Siya ay nag-aaral sa Regional Science High School at
tinapos niya ang kanyang elementary sa Zamboanga East Central School. Ang
pangalan ng mga magulang niya ay Leonarda Teodoro at Rexaldo Teodoro. May isang
kapatid siyang babae at ang pangalan niya ay Reyva Claire Teodoro. Nakatira
siya sa Guiwan Buenbrazo Drive, Zamboanga City. Ang paboritong pagkain niya ay
Adobo. Ang mga paborito niyang gawin ay manood ay telebisyon, maglaro ng
computer games at marami pang iba.
Lahat ng mga tao ay may bagay na
pinahahalagahan at ang mga gamit na ito ay may alam sa buhay nila.
Awtput 10: (Tula) = Desree Gale De Guzman
Asong Tapat
Ako’y mayroong alagang
aso
Siya’y masunurin at
matalino
Malambing rin sa mga
amo
At tiyak na matapat na
aso.
Sa tuwing kami ay
naglalaro
Napapangiti talaga ako
Napapaaliwrin niya ang
amo
Sa paglaro’y bigay
todo.
Ngayong wala na aming
aso
Nabawasan na, ang alaga
ko
Paalam! Para sa aking
aso
Di ka malilimutan ng
amo.
Awtput 10: (Tula) = Rayvin Teodoro
Ang Paborito kong Tito
Ako’y may paboritong tito
Siya’y magalang at maginoo
Busilak kanyang puso
At higit sa lahat, siya’y gwapo.
Tuwing pag-uwi ng tito
Mula sa mga malalayong pulo
Dala ay mga regalo
Na kinagigiliwang totoo.
Ngayon, miss ko na
si tito
Wala na siya sa piling ko
At nakakalungkot lalo
Wala na ang isa sa idol ko.
Awtput 13: (Maikling Kwento tungkol sa Kababalaghan) = Desree Gale De Guzman
White Lady sa Playground
Noong ako’y nag-aaral pa sa Divisoria
Elementary School ay may nakita ako at mga kaibigan ko na White Lady habang
papunta kami para maglaro sa playgroung namin. Nakita naming siyang umiiyak,
sabi ng ibang tao na piñata daw siya ng mga grupong lalaki at ni-rape. Kaya
nagpapakita siya tuwing gabi at sabi nila ay humihingi siya ng tulong. At
tumakbo kami ng makita naminsiya s sobrang takot.
Awtput 14: (Balita) = Desree Gale De Guzman
Rayvin Teodoro
Isang Buntis Nakunan, Dahil Umano Sa Aswang?
Isang
buntis nakunan sa Albay sa Balete City na nagngangalang si Lorenza Kipu.
Sinasabi ng mga tagaroon nama’y isang aswang na umaaligid doon. Dakong alas
dose ng gabi noong Nobyembre 1, 2011 ng makita daw ng isang kapitbahay na
mistulang may tao sa bubong ng nakunan na buntis. Pinaghihinalahan nilang itong
isang Aswang. Ayon din sa mga tagoroon may mga ilang buntis na ring nakukunan
sa lugar nila at pareho ring meron ding tao sa itaas ng bubong. Sinasabi nila
na paborito ng mga Aswang ang mga buntis kaya’t ginagamit nila ang mga
mahahabang dila at tinutusok ito sa pusod ng buntis sa pamamagitan nito makakain
umano ng Aswang ang bata sa loob ng tiyan ng nanay. Kaya’t sinasabi nila sa mga
buntis na mag-ingat.
Awtput 16: (Paggawa ng Komiks) Desree Gale De Guzman
Rayvin Teodoro
Awtput 18: ( Alamat tungkol sa Lugar kung saan ka nakatira) = Desree Gale De Guzman
Ang Alamat ng Barangay
Divisoria
Noong unang panahon saisang payapa at
masayangbayanay may nakatira na mag-asawang Mario at Sophia. Silaay may
dalawang anak, si Devi at Sonia. Sila ay mababait at matulungin na bata. Isang
gabi, nakagising na lang si Sonia dahil saisang bangungot. Nakita niya sa
panaginip niya namay mangyayari na di maaasahan ng kanilang pamilya. Ito ay ang
may pagtangkaang patayin angkanilang bunsong kapatid na si Devi. Noong oras na
iyon ay wala si Sonia sa kanilang tirahan, dahil umalis siya kasama ng kaniyang
mga kaibigan upang magbakasyon sa ibang lugar. Nang malaman ni Sonia ang
mangyayari sa kaniyang kapatid na si Devi ay tinawagan niya ang kaniyang mga
magulang at dal-dalisiyangnag-impake upang umuwi o bumalik sa kanilang tirahan.
Ngunithindi na ipinaalam o sinabi kay Devi ang mangyayari dahil kung malalaman
niya ito ay hindi naman ito maniniwala sa kaniya dahil isa lamang itong
panaginip. At pagkalipas ng ilang oras ay nakarating na si Sonia sa kanilang
bayan.
Nang
malapit na makarating si Sonia sa kanilang tirahan ay nakita niya na may
umaaligi na grupo ng mga estrangherong lalaki na nakamaskara. Dali-dali at
tahimik na pumasok si Sonia sa kanilang tirahan at tinawag angkaniyang pamilya
upang tumakas at magtago sa ibang lugardahil may grupo ng estrangherong lalaki
nagustong patyin si Devi o silang lahat. Kaya naniwala sila kay Sonia, nang
sila ay papatakas na sa kanilang tirahan ay sila ay napansn ng estrangherong
mga lalaki na nakamaskara. Sila ay hinabol at ang kanilang pamilya ay tumakbo
nan di napansin ni Devi na may bato sa kaniyang harapan at siya ay natumba.
Nang nakita ni Sonia na natumba si Devi ay dali-dali siyang pumuntakay Devi At
siya’t tinulungan.
Ngunit
bago pa man makarating si Sonia ay nadakip at piñata na nila si Devi. At
nungnakarating na si Sonia ay nagulat at biglang umiyak ng nakitaniya na patay
na si Devi. At sa sobrang galit ay naghiganti siya at siya ay sumugod sa
pumatay sakaniyang kapatid ngunit siya ay di nagwagidahil ang mga pumatay sa
kaniyangkapatiday may dalang mga baril, spade at pana ngunit siya naman ay wala
dalang kahit isang armas. Nang siyaay sumugod ay siya ay sinaksak ng spade
ngunit tumayo pa rin syaat sumugod. At siya ay tirahan ng mga pana sa kanyang
paa ngunit tinanggal niya ito at sumugod pa rin. Nang nainis naang boss ng
pumatay kay Devi ay kumuha siya ng shotgun at binaril niya si Sonia. Nang
natapos na ang labanan ay tumakas na ang grupo ng mga estrangherong lalaki na
nakamaskara.
Nang
nakita sila ng mga tao sa kanilang bayan ay dinalasila sa ospital ngunit di na
sila nadala ng buhay sa ospital. Angbuong barangay ay naging malungkot sa
pagsawi ngmagkakapatid. Ang magkakapatid ay inlibingnila malapit sa kanilang sa
kanilang bahay. At sa kabaitan at matulungin nila ay ipinangalan sa kanilaang
barangay kung saan silaay namatay. Ito ay tinawag na Devisonia, ang kombinasyon
ng dalawang pangalan ng magkakapatid na mabait at matulungin. At sa kalauna’y
ang pangalang Devisoniaay pinalitan bilang Barangay “Divisoria”.
Awtput 18: ( Alamat tungkol sa Lugar kung saan ka nakatira) = Rayvin Teodoro
Ang Alamat ng Buenbrazo
Noong unang panahon sa Mindanao, may isang lugar kung saan
may isang Raja na namumuno rito. Ngunit imbes na natuwa ay nalulungkot at
nagagalit sila sapagkat ang kanilang Raja ay malupit, sakim at walang awa. Ang
Rajang ito ay si Raja Kimsa. Sakim siya sa lahat ng kayamanan dahilan upang
magkaroon ng rebelyon sa lugar nila.
Nag-api si Raja Kasim at napunta ito kay Raja Trese. At
tinawag ang lugar na Buenbrazo na ang ibig sabihin ay nasa mabuting kamay.
Awtput 21: (Tula) = Desree Gale De Guzman
Unang Paaralan
Anim na buwan na ang nagdaan
Nang aking nilisan ang
paaralan
Kung saan ako unang natuto
Magsulat at magbasa ng libro.
Ang mga araw ay nagugunita ko
pa
Sa paaralang elementarya ko
nakilala
Ang mga kaibigang aking
nakasama
Sa panahon ng kalungkutan at
saya.
Mga guro’y akin ring naaalala
Lalo na ang mga naituro nila
Sa Filipino, kasaysayan, agham
at aritmetika
Ang kagandahang-asal ay
nangunguna.
Lahat ng mga ito’y nakalipas
na
Ang mga kahapon ay hindi na
maibabalik pa
Ngunit ito’y mapaghuhugutan ko
ng lakas
Upang harapin ang naghihintay
na bukas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento