Huwebes, Pebrero 28, 2013

Mga Awtput sa Unang Markahan

Awtput 2: (Drowing) = Desree  Gale De Guzman




Awtput 2: (Drowing) = Rayvin Teodoro






Awtput 3: (Sanaysay tungkol sa buhay hayskul) = Desree Gale De Guzman


Mga Natutunan ko sa Hayskul

          Ang buhay ko ngayong hayskul ay naging masaya dahil marami akong nakilalang maga bagongkaibigan,kaklase at mga guro. Ngayong hayskul din marami akong natutunan na hindi ko pa natutunan sa elementarya. Halimbawa ng mga ito ay dapat huwag mo iasa lahat ng mga gawain mo sa iyong mga magulang. Kung kaya mo itong gawin, gawin mo. Dapat rin huwag mo isayang ang mga oras kung may dapat kang gagawin. Dapat gawin mo na at huwag mo na ipagbukas pa.


          Ngayong hayskul, naging mas responsable at masipag na ako. Hindi ko na pinapagawa lahat sa mga magulang o sa nakakatanda sa akin. Kung paminsan-minsan nagpapatulong ako sa aking mga magulang o nakakatanda sa akin kung hindi ko alam kung anong gagawin. Inuuna ko na rin ang paggawa ng mga takdang-aralin ko at mga gawain ko kaysa manuod ngtelebisyon o maglaro ng kompyuter.


          At ngayong hayskul, naging mas masunurin na ako sa aking mga magulang at nakakatanda sa akin. Dahil dati kung nagkakamali aoat pinapagalitan ako ng aking mga magulang o nakakatanda sa akin, nagagalit ako at paminsan hindi ko sinusunod ang kanilang payo sa akin. Ngunit ngayon naiintindihan ko na talaga kung bakit nila kami pinapagalitan dahil may nagawa kaming mali at ayaw nila kami lumaking masama at hindi marunong rumespeto sa nakakatanda sa amin.


Awtput 3: (Sanaysay tungkol sa buhay hayskul) = Rayvin Teodoro

Ang Simula ng aking Buhay Hayskul

          Ang buhay hayskul ko ay Masaya. Sapagkat marami na rin ang nagbago, mga hilig, paborito at ugali ko. Ngunit ito ay simula pa lamang ng aking buhay hayskul. At hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari.


          Hindi pa ako masyadong sanay sa aking paligid. Sapagkat bago ko lamang nakilala ang mga kaibigan ko. At hindi pa rin ako sanay sa buhay hayskul na mas mahirap sa aking buhay sa elementary. Sana pagkaraan ng ilang buwan ay masanay na ako sa paligid ko.



Awtput 6: (Bookmarks) = Desree Gale De Guzman











Awtput 6: (Bookmarks) = Rayvin Teodoro







Awtput 11: (Sanaysay tungkol sa Noon at Ngayon) = Desree Gale De Guzman


Noon at Ngayon

          Sabi nga nila ang mga bagay-bagay ay bumabago din. At sabi rin nila ang buhay ay madali lamang dapat huwag natin isayang ang ating mga oras. Kayo naniniwala ba kayo sa mga kasabihan na ito?
         
          Ang pagbabago na nasa larawan noong bata ako at noong matanda na ako ay noong bata pa ako ay cute talaga ang aking mukha at ngayong malaki na ko ay hindi na ako masyadong cute. Musmos akong tingnan noong bata ako at ngayong malaki na ako ay dalaga nakong tingnan. Ang liit ko pa noong bata ako at ngayong malaki na ako ay tumangkad at mas malaki pa ako ngayon kaysa noon. Noong bta ako ay medyo maitim ako at ngayong malaki na ako at kutis morena na akulay ngbalat ko. Noong bata ako ay palangiti ako ngunit ngayong malaki na ako ay hindi na ako gaanong palangiti. Noong bata ako ay chubby ako at ngayong matanda o ngayong malaki na ako ay medyo pumayat ang aking pangangatawan. At noong bata ako ay pabilog ang aking ulo ngunit ngayong malaki o tumanda na ako ay lumapad angaking ulo o pa-oblong na ang hugis ng ulo ko.

          At ito ang pagkakaiba noong bata ako at ngayong malaki na ako.  

 Awtput 11: (Larawan Noon at Ngayon) = Rayvin Teodoro



Awtput 11: (Sanaysay tungkol sa Noon at Ngayon) = Rayvin Teodoro



Noon at Ngayon

Lahat ng bata sa mundo ay lumalaki nagkakaroon ng mga pagbabago sa kanilang katawan. At sa mga pagbabagong iyon ay nahuhubog ang pagkatao ng isang bata. Ngayon ay aking sasabihin kung anu-anong mga pagbabago ang nangyari simula noong bata pa ako.


 Marami nang nangyaring pagbabago sa akin simula noong bata pa ako at ngayong malaki na ako. Ang pagbabagong iyon ang humubog sa aking pagkatao ngayon. Ang mga pagbabagong iyon ay mas malaki na ako kaysa noon, ang aking mukha ay nagbago pati na rin ang kulay ko ay nagbago. Lahat iyon ang humubog sa aking pagkatao ngayon.


Ngayon sa mga pagbabagong naranasan niyo sana ito’y nakabuti sa inyo kaysa makasama. 


Awtput 13: (Drowing) = Desree Gale De Guzman




Awtput 13: (Drowing) = Rayvin Teodoro





Awtput 14: (Larawan tungkol sa Paintings) = Desree Gale De Guzman




Awtput 14: (Larawan tungkol sa Paintings) = Rayvin Teodoro





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento