Awtput 6: (Sanaysay tungkol sa Kalayaan ng mga Kabataan) = Desree Gale De Guzman
Kalayaan ng mga Kabataan
Ano
nga ba ang kalayaan? Masama ba itong makamtan ng mga kabataan katulad ko?
Sa
buhay ko, paminsan nakakamtan ko ang aking kalayaan ngunit paminsan ay di
naman. Di ko nga alam kung bakit ganito ang mundo? Paminsan nakukuha mo ang
gusto mo pero paminsan ay di naman.
Katulad
na lang sa akin, kung paminsan kung gusto kong pumunta sa sinehan o saan bang
lugar kasama ang mga kaibigan ko ay di ako pinapayagan ng mga magulang kong
umalis. Dapat kailangan ko pang magbigay ng reason upang makaalis. Paminsan
naman ay pinagbabawalan akong maglaro ng kompyuter kahit tapos naman akong
gumawa ng aking takdang-aralin at mga requirements sa aming paaralan. Kailangan
daw na mag-aral ng mag-aral at tuwing weekend lamang ako pwedeng maglaro ng
kompyuter. Sabi rin ng mga magulang ko ay bata pa daw ako at konti pa lamang
ang aking nalalaman at naiintindihan sa mundong ito. Dapat daw na makinig sa
kanila o sa nakakatanda sa akin.
Kailan
ko ba makakamtan ang aking kalayaan? Kailan ba ako magiging malaya? Dapat bang
maging matanda na upang makamtan ang aking kalayaan? Bakit ganito ang mundo?
Kailangan bang maging ganito ang buhay ko?
Awtput 6: (Sanaysay tungkol sa Kalayaan ng mga Kabataan) = Rayvin Teodoro
“Kalayaan” para sa kabataan
Lahat tayo gusto maging malaya lalung-lalo na ang mga
kabataan sa henerasyon ngayon. Ngayon sa mga kabataan may ibang ibig sabihin
ang kalayaan. Anu nga ba ang kalayaan para sa kabataan kagaya ko?
Para sa aming kabataan iba ang ibig sabihin ng kalayaan.
Para sa amin ito ang pagiging malaya sa mga gagawin, kalayaan sa pagdedesisyon
at kalayaan sa pagpili ng kaibigan. Iyan ang mga bagay naming gusto at para sa
amin kung malaya kami may karapatan kaming gawin ang tatlong iyan. Kami rin ay
pinagbabawalan na maglaro ng computer games dahil nakakasira naman iyon.
Kakaiba nga naman talaga kaming mga kabataan ngayon.
Parating gusto nila ang masusunod pero para sa aming mga magulang kahit konti
respetuhin aming desisyon sapagkat may utak rin kami na ginagamit para may
desisyon at malaman ang tama sa mali.
Awtput 8: (Larawan at Detalye tungkol sa Zamboanga's Best) = Desree Gale De Guzman
Awtput 8: (Larawan at Detalye tungkol sa Zamboanga's Best) = Rayvin Teodoro
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento